Nacionalista Party Patuloy ang Pag-arangkada, Young Nacionalista, Inilunsad

Buhayin ang pagmamahal sa bayan!

 

Ito ang naging panawagan ni Senador Manny Villar, Pangulo ng Nacionalista Paty sa mga kabataan sa paglulunsad noong Sabado, Marso 2, 2013, ng Young Nacionalistas, sa Laurel House, Shaw Blvd., Mandaluyong City.

 

Ayon kay Villlar kailangan na manatiling nagniningas sa puso ng bawat isa ang pagmamahal sa bayan dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tunay na malaya  ang mga Pilipino, dahil patuloy pa rin tayong inaalipin ng matinding kahirapan.

 

Naniniwala si Villar na ang pagkakatatag sa Young Nacionalistas ay higit na magbibigay ng inspirasyon sa mga kasaluluyang lider ng partido na higit na pag-ibayuhin ang pagkikipaglaban sa mabuting pamamahala, at  pagsugpo sa kahirapan,

 

Ipinagmalaki rin ng senador ang patuloy na pag-arangkada ng partido patunay dito ang aktibong pakikilahok ng mga mambabatas na miyembro ng Nacionalista sa mga makabuluhang gawain ng dalawang kapulungan ng kongreso, at sa pagiging pangalawa nito sa dami ng ,mga tumakbong kandidato sa iba’t-ibang posisyon sa bawat sulok ng Pilipinas batay sa ipinalabas na talaan ng Commission on Elections (COMELEC).  

 

Pinangunahan ng pangulo ng Young Nacionalistas na si Martin Loon, anak ni dating Marine Col. Ariel Querubin, at director general Michael Manotoc, anak ni Ilocos Norte Governor, Imee Marcos Manotoc, ang mga bagong usbong na Nacionalostas na nanumpa sa  harap nina Senador  Manny Villar, Senador Allan Peter Cayetano, at Senador Antonio Trillanes.

 

Nangako naman ang dalawang batang opisyal na pagiibayuhin nila ang pangangalap ng mga mahuhusay na kabataan na magtataguyod sa mga makabayan na pananaw, misyon at adhikain ng Nacionalista Party.

 

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng Young Nacionaistas upag magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan sina  Zamboanga del Norte 2nd District Congressman Cesar Jalosjos, Davao Oriental 1st District Comgressman Henry Dayanghirang, Nueva Vizxaya Conngressman Carlos Padilla, at dating Marine Col. Ariel Querubin.

Activities

  • Former Congw. Cynthia Villar, Managing Director of Villar Foundation, speaks before barangay officials during the 5th National Convention of Liga ng mga Barangay sa Pilipinas held at the SMX Convention Center in Pasay City where she shared their b...

    continue reading >>

     
  • Former Congw. Cynthia Villar received a Plaque of Appreciation from Mayor Jonas Castañeda (3rd from right) for being the guest of honor during the coronation night of Miss Lingayen 2013. Also in photos are other local officials of Lingayen, Pangas...

    continue reading >>

     
  • Former Congw. Cynthia Villar celebrated with the Kalibonons during the Ati-atihan Festival in Kalibo, Aklan. 

    ...

    continue reading >>

     

Image Gallery

Token of apprec...
Image Detail
Visit to Sangle...
Image Detail
Pays tribute to...
Image Detail

Video Gallery

Manny Villar - ...
Image Detail